Wednesday, April 24, 2019

PADAYON LANG 👊

Sa buhay, hindi palaging nasa itaas lang tayo - masaya, maligalig, at matagumpay. May mga pangyayaring tayo ay magiging lugmok o malungkot dahil may nangyaring di kanais-nais sa buhay natin. Gayunpaman, kailangan nating magpakatatag hindi lamang para sa sarili, ngunit pati na rÃŽn sa mga tao na nasa paligid natin. Hindi sa lahat ng panahon suko ang tamang sagot. Sa blog na ito ay may mga larawan na nagbibigay kahulugan sa salitang "PAGLAOM" o pag-asa. 

PAGLAOM



















Ang buhay ay hindi madali. May mga ibang tao na makalagpas lang sila nang isang araw na buhay ay masaya na sila. Maraming pagod at kinain na ng kalungkutan. Masyadong marahas ang mundo para sa mga tulad nila. Ikaw, huwag ka sanang mawalan ng pag-asa. Baguhin mo ang perspektibo mo sa buhay.
 Tignan mo ang kagandahan sa mga bagay-bagay. Hanapin ang positibo na dako nito sa halip na ang negatibo. Ito ay para sayo, para sa iyong paglaki bilang isang tao. Ika'y sisibol din, hindi man ngayon, pero, sa tama at sarili mong oras. Kapag may mga panahon mang hindi mo na kaya, alalahanin mong may mga taong nagmamahal sayo at puwede mong takbuhan sa oras ng iyong pangangailangan. Sila ang magsisilbing ligtas mong kanlungan. Sila muna ang sasalo at sasagip sayo kapag hindi mo na kaya. Ito ay maaring magbigay ng katahimikan at ginhawa sa pansariling gulong iniintindi mo. Gayunpaman, huwag mong kalimutan na magpakatatag dahil hindi sa lahat ng oras ay nandiyan sila. Laban mo 'to.

Matuto maging magpakumbaba at isipin na dapat wala kang inaapakang tao sa oras na ika'y nasa taas na. Sipag, tiyaga, at dedikasyon lamang ang mga sangkap upang makamit ang mga gusto sa buhay. Huwag mo ding kalimutan na magpahinga at alagaan ang sarili. Ikaw ay magniningning na parang bituin sa sarili mong oras kapag ika'y mapayapa at wala kang hinahamong gulo sa sarili. Dahil diyan, mararating mo na ang tugatog at ikaw ay muling babangon. Kaya, kinakaya, at kakayanin mo din 'yan! PADAYON LANG! ðŸŒŧ

Gawa ni: Kyla Mari F. Gomez STEM 12 - F




No comments:

Post a Comment